TANGING HILING
Music by Ty Martell, Raymund Marcelo and Melvin Sotto

Aking Sinta, dinggin sana
Tinig ng pusong nagdurusa
Nais kong malaman mo
Ikaw pa rin ang iniibig ko

Ngayon Pasko’y sasapit na.
Tulungan mo ang puso kong nangangamba

Bakit ba nilisan pa
Tunay kong pagibig sa ‘yo sinta
Sana ay maunawaan mo
Ikaw lang ang laman ng puso ko

Yakap mo’y kailangan ko
Upang maalis ang hapdi ng puso ko
Aking sinta wag mag-alala
Sa’yong pagbabalik hindi na luluha pa

Ngayon pasko ay narito na
Ikaw pa rin sinta ang aking ala-ala

Bakit ba nilisan pa
Tunay kong pagibig sa ‘yo sinta
Sana ay maunawaan mo
Ikaw lang hiling ngayong pasko